Ano ang Tinatawag na Plateau sa Pagbaba ng Timbang?
Karaniwan, kapag nagbawas ka ng timbang, may mga linggo o buwan na parang hindi na bumababa ang numero sa timbangan. Ito ang tinatawag na plateau. Hindi ito palatandaan na nabigo ka; normal ito sa proseso ng pagbaba ng timbang.
Bakit Nangyayari ang Plateau?
- Pagbagal ng metabolismo habang nagbabawas ng timbang
- Pagtaas ng gana sa pagkain o di-sinasadyang dagdag calories
- Pagkakaroon ng stress at kakulangan sa tulog
Mga Simpleng Paraan Para Malampasan ang Plateau
Subukan ang mga lifestyle tips na ito:
- Baguhin ang iyong workout routine: dagdagan ang lakas o cardio exercises
- Planuhin ang pagkain: mas maraming protina at gulay, bawas processed food
- Maglaan ng tamang pahinga at quality sleep
- Mag-monitor ng progreso: timbang + circumference measurements
Para sa karagdagang tips sa pagpapanatili ng sigla habang nagbaba ng timbang, basahin rin ang Paano Mapanatili ang Sigla at Konsentrasyon.
